-- Advertisements --

Ligtas na nakabalik na sa mundo ang NASA astronauts na sina Doug Hurley at Bob Behnken.

Ito ay matapos ang 62 araw pananatili sa International Space Station.

Lumapag ang nasabing Space X Dragon Capsule sa south Pensacola sa Gulf coast ng Florida.

Agad na pinasalamatan ng SpaceX mission control ang dalawa dahil sa matagumpay nilang pagbabalik sa mundo.

Mabilis na bumulusok pababa ang capsule mula sa parachute na mayroong bilis na 350 mph bago tuluyang bumagsak sa Gulf of Mexico.

Agad na nagtungo sa lugar ang recovery vessel at ligtas na nailabas ang mga dalawang astronaut.

Magugunitang noong Mayo ng inilunsad ang Falcon 9 rockets na gawa ng SpaceX.

Ang kanilang mission ay nagsilbi bilang end-to-end demonstration ng astronaut na “taxi service” ng kumpanya na pag-aari ni tech entrepreneur Elon Musk.