-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Energy (DOE) sa pamilya ng isang nasawi sa sunog na naganap sa Unit 3 ng Pagbilao Power Station noong Huwebes ng gabi, Oktubre 31 kung saan naitala din ang siyam na sugatan na manggagawa.

Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, ang mga sugatan ay dinala agad sa pinakamalapit na ospital at kasalukuyang nasa stable na kondisyon na.

Nakaayos na rin aniya ang posibleng paglipat ng mga ito sa Metro Manila kung kinakailangan para sa iba pang medikal na atensyon.

‘Their treatment is being closely monitored, with arrangements in place for transfer to specialized hospitals in Metro Manila should advanced care be necessary,’ pahayag ni Garin sa isang statement.

Hinimok naman ng DOE ang Pagbilao Energy Corporation na tiyaking mabigyan ng kumpletong medikal na atensyon at suporta ang mga naapektuhang manggagawa.

Pinuri rin niya ang agarang pagtugon ng kumpanya at tiniyak ang patuloy na koordinasyon sa mga pamilya, lokal na awtoridad, at mga medical team.

Ani pa Garin, “the DOE stands in solidarity with the affected families. We assure the public that we will continue to coordinate with PEC and other concerned agencies to ensure that proper assistance is provided and that a thorough investigation proceeds.”