-- Advertisements --

Muling magsasagawa ng kilos protesta ang grupong Manilbela laban sa kurapsyon at flood control projects.

Ayon kay Mar Balbuena ang pangulo ng grupo,na gaganapin ang kanilang kilos protesta sa araw ng Biyernes, Nobyembre 7.

Magkakaroon ng programa sa Liwasang Bonifacio ng alas-dos ng hapon.

Pagdating naman ng ala-6 ng gabi ay lilipat sila sa Mendiola para doon ipanawagan na dapat makulong ang mga sangkot sa kurapsyon.