LAOAG CITY – Nilamon na rin ng apoy ang isang paslit sa pagkasunog ng dalawang sasakyan na nakaparada sa Barangay 24 Nagrebcan, San Nicolas, Ilocos Norte.

-- Advertisement --

Nakilala ang biktima na si Alicia Zyra Aguinaldo, dalawang taong gulang na residente ng nasabing barangay.

Base sa Bureau of Fire Protection, nasunog ang isang Revo at isang van.

Ayon kay SFO2 Bonjo Aguinaldo, fire marshall ng bayan ng San Nicolas, ihahatid sana ni Mr. Frederick Aguinaldo ang kanyang anak na nag-aaral sa San Nicolas Central Elementray School at isasama ang dalawang taong gulang na anak.

Gayunman, iniwan ng ama ang paslit na biktima sa loob ng nakaandar na Revo dahil may aasikasuhin pa.

Nagulat na lamang ang ama sa biglang pagsiklab ng sasakayan at kasamang nasunog ang kanyang anak na nasa loob pati na rin ang katabing van.

Lumabas na posibleng naggaling ang sunog sa charger port ng sasakyan na pinaglalagyan ng cigarette lighter.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring sunog.