Nasa 18 katao ang patay sa pagbagsak ng military plane sa Sudan.

Kabilang sa mga nasawi ay apat na bata mula sa bayan ng El Geneina.

Ayon kay Brigadier Amer Muhammad al-Hassan, military spokesman, wala pang limang minuto mula ng ito ay mag-take off ay bumagsak na ito.

Patay lahat ang lulan ng eroplano na kinabibilangan ng pitong officers.

Inaalam na ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng Antonov military plane.