-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating pangulo ng Zambia na si Edgar Lungu sa edad na 68.

Kinumpirma ito ng kaniyang partido na Patriotic Front subalit hindi na binanggit ang sanhi ng kamatayan.

Naglabas din ng vdeo ang anak nitong si Tasila kung saan sinabing noong nakaraang mga linggo ay dinala sa pagamutan ang ama na siyang sanhi ng kamatayan nito.

Namuno si Lungu sa loob ng anim na taon mula 2015 at natalo siya sa halalan sa taong 2021 laban sa kasalukuyang pangulo na si Hakainde Hichilema.

Matapos ang pagkatalo ay umatras na ito sa pulitika hanggang noong nakaraang taon subalit naglabas ng desisyon ang korte suprema na pinagbabawalan na siyang tumakbo dahil sa natapos na niya ang dalawang taon na termino.

Isinilang noong Nobyembre 11, 1956 at nagtapos siya sa abogasya sa University of Zambia noong 1981.

Sumailalim din siya sa military training sa Miltez army college sa Kabwe.