-- Advertisements --

Inakusahan ng Ukraine ang China na sila ang nag-susuplay ng mga armas sa Russia.

Ayon sa foreign intelligence service ng Ukraine na mayroong silang impormasyon na hawak na nag-suplay ng mga mahahalagang materyales at mga kagamitang pandigma ang China sa 20 military factories ng Russia.

Mariing itinanggi naman ito ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning kung saan tinawag na political manipulations lamang ang ginagawa ngayon ng Ukraine.

Magugunitang nakumpirma rin ng Ukraine noon ang China na nagpapadala sila ng sundalo sa Russia.