WASHINGTON DC – Nilagdaan ni US President Donald Trump ang bagong travel ban upang maprotektahan ang America mula sa mga mapanganib na dayuhan.
Dito ay ipinagbabawal ang pagpasok ng mamamayan mula sa 12 bansa, kabilang ang Afghanistan, Burma, Chad, Republic of the Congo, Equatorial Guinea, Eritrea, Haiti, Iran, Libya, Somalia, Sudan, at Yemen.
Ang desisyon ay kaugnay ng isang terror attack sa isang Jewish protest sa Boulder, Colorado, kung saan sinisisi ng mga awtoridad ang isang lalaking ilegal na nananatili sa U.S.
Ayon kay Trump, ang insidente ay nagpapatunay ng panganib ng hindi maayos na pagsusuri sa mga dayuhang pumapasok sa bansa, kaya kinakailangang palakasin ang seguridad.
Kinilala ng FBI ang suspek bilang si Mohamed Sabry Soliman, isang 45-taong gulang na lalaking gumamit ng mga pampasabog upang sunugin ang mga demonstrador, na nagdulot ng pinsala sa walo katao.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente bilang isang targeted terror attack, habang ang White House ay nanindigang ang bagong travel ban ay isang hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan.