Kinumpirma ni National Task Force (NTF) COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr. na natapos na ang COVID-19 testing sa mga overseas Filipinbo workers (OFWs) na dumating sa bansa.

Sinabi ni Sec. Galvez, sa kabuuang 30,000 na isinailalim sa test, nasa 600 ang nag-positibo at kasalukuyang ginagamot na.

Ayon kay Sec. Galvez, sa ngayon pinagtutuunan nila ng pansin ang nasa 175,000 na na-trace na nila sa Metro Manila at prayoridad ito sa testing.

Kasabay nito, iginiit ni Sec. Galvez na hindi mass testing ang kanilang gagawin kundi expanded o targeted testing.