KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang tatlong lalaki na itinuturong suspek sa panghahalay sa isang 16-anyos na estudyante sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.

Ayon kay Bombo Correspondent Jojo Gallo, nakita mismo ng may-ari ng isang swimming pool sa Barangay Sibsib sa nabanggit na bayan ang pangyayari kaya’t inireport nito sa pulisya at nahuli sa akto ang mga suspek.

Bago pa umano kinaladkad ng mga suspek ang biktima sa isang comfort room sa nabanggit na swimming pool ay nilasing muna ng mga ito ang biktima.

Napag-alaman na lasing rin ang mga suspek ng gawin ang krimen.

Mahigpit naman na itinanggi ng mga suspek ang ibinebintang sa kanila ngunit may testigo umano na nakakita sa mga ito.

Sa ngayon, inihahanda na ang kaukulang kaso na isasampa laban sa kanila.