Nasa 16 na inmates ng New Bilibid Prison (NBP) ang nasawi kada buwan mula noong Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon.
Batay ito sa examination na isinagawa ng forensic expert na si Dr. Raquel Fortun sa Eastern Funeral Services na natatanging funeral home na accredited sa Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay Dr. Fortun nasa 176 ang nasawing inmates kung saan isa dito ay nangyari noong Disyembre 13, 2021 at ang huli ay noong November 6, 2022.
Pinakamataas na bilang ng mga namatay na bilanggo sa loob ng isang araw sa Bilibid ay noong Marso na nasa 24 na inmates habang pinakamababa noong Abril na nasa 10 inmates ang nasawi.
Mula sa halos 200 inmates na nasawi, ang average age ng mga pumanaw na inmates ay 56 anyos, pinakamatanda ay nasa edad 82 habang pinakabata ay nasa edad 27.
Sa ngayon, hawak pa lamang ni Dr. Fortun ang unang pahina ng death certificates ng mga inmates habang nakatakda pa lamang punan ng National Bureau of Investigation ang mga dahilan ng pagkasawi ng ibang mga inmates.
Sa 40 death case, may ilang nakalagay na dead on arrival, undetermined at “for autopsy” na pareho sa nakasulat sa death certificate ng namatay na inmate na si Jun Villamor na middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
Kung matatandaan, nagsagawa ng re-autopsy si Dr. Fortun sa labi ni Villamor at nadiskubreng namatay ito mula sa plastic bag suffocation. Nagresulta naman ito sa pagkakabunyag ng 176 unclaimed na mga bangkay ng nasawing mga inmates mula sa Bilibid.