-- Advertisements --

Iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) ay nakapagtala sila ng 15,592 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa kabuuang ang bilang ng mga naitalang aktibong kaso ngayon sa bansa ay nasa 162,580.

Habang mga gumaling naman ay nasa 2,217,611 na makaraang maitala maraming bagong nakarekober sa coronavirus na nasa 24,059.

Samantala, meron namang 154 na mga bagong pumanaw.

Ang death toll sa bansa ay nasa 1.54% o katumbas ng 37,228.

Mayroon namang apat na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 20, 2021. Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”

Sinasabing ang intensive care unit (ICU) beds ng bansa ay nasa utilization rate na 78 percent habang sa Metro Manila ang ICU bed rate ay nasa 77 percent.