-- Advertisements --

Nailikas ang higit sa 5,000 katao mula sa malawakang at malalaking pagbaha sa malaking bahagi ng Luzon ayon yan Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG Spokesperson Capt. Noemie Cayabyab na ang mga rescue operations ay nakapokus sa mga lugar na nalubog sa baha kabilang na ang Valenzuela, Cavite, Laguna, Bulacan, Bataan, Pampanga at maging sa Pangasinan.

Aniya sa kasalukuyan ay mayroon silang sapat na mga bilang ng rubber boats na maaaring magamit ng mga lokal na pamahalaan para sa mga rescue operations.

Tinatayang nasa 6,700 na mga tauhan ang naka-full alert na sa ngayon para magagawa ng mga rescue operations sa kahit ano mang oras.

Sapat din aniya ang kanilang mga kagamitan gaya ng mga radio communications equipment para sa mas mabilis na komunikasyon at mabilis na aksyon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.

Maliban naman sa flooding response ay handa ring magpaabot ng tulong ang PCG para sa mga preemptive evacuation efforts sa mga lugar na luhang apektado ng mga pagbaha.

Samantala, tiniyak naman ng PCG na patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga mangingisda at ilang mga lokal na pamahalaang mlapit sa coastal communities para sa kaligtasan ng mga mangingisda at mga residente.