-- Advertisements --
Matapos ang tagumpay na gintong medalya sa Southeast Asian Games ay target ngayon ng Filipinas ang mas malaking torneo.
Ayon kay womens football coach Mark Torcaso, na agad silang magsasanay para sa AFC Womens’ Asian Cup na gaganapin sa Australia sa susunod na taon.
Magsisimula sa buwan ng Marso 2026 ang group stage games kung saan nakahanay ang Filipinas sa Australia, South Korea at Iran.
Ang anim na magwawagi sa group stage ay tiyak na ang pagpasok sa 2027 FIFA Women’s World Cup sa Brazil.
Magugunitang naitala ng Filipinas ang kauna-unahang gintong medalya ng womens football team ng bansa sa SEA Games na ginaganap sa Thailand.
















