-- Advertisements --

Ikinabahala ng mga ahensiya ng United Nations na magkakaroon ng mabilisang pagkagutom sa Gaza.

Ito ay kahit na nagkakaroon na ng improvements ang pagpasok ng mga relief goods sa Gaza at bahagyang natugunan ang kagutuman ay hindi pa rin sila nagkukumpiyansa.

Ayon sa Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO), UNICEF, World Food Programme (WFP), at World Health Organization (WHO) na kapag napabayaan ang nasabing pagbibigay ng pagkain sa residente ng Gaza ay magkakaroon ng matinding kagutuman muli.

Dahil dito ay nanawagan ang UN sa mga bansa na ituloy ang pamamahagi ng tulong sa Gaza para mapuksa ang kagutuman.