Nakapagtala ng higit sa P323-M danyos ang agricultural sector ng bansa ayon yan sa Department of Agriculture (DA) bunsod ng sunod-sunod na bagyo at habagat.
Sa datos na ipinakiata ni Assistant Secreatry for Special Concerns and Official Development Assistance at Spokesperson Engr. Arnel De Mesa, ang naturanag halaga ay kabuuan na danyos mula sa walong rehiyon sa buong bansa na siyang pinakaapektado ng malalakas na pagulan at pagbaha.
Aniya ang mga rehiyon na kabilang sa mga nakaranas ng mga danyos na ito ay ang mga rehiyon ng Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at SOCCSKSARGEN.
Pinakanakatanggap ng malaking pinsala ang rehiyon ng MIMAROPA na nakapagtala ng halagang P121-M partikular ang probinsiya ng Palawan na mayroong P56-M at Occidental Mindoro na mayroon namang P65-M halaga ng nga danyos.
Karamihan naman ng mga naiulat na pinsala ay nakapokus at pinaka apektado ang rice sector kung saan nakapagtala ito ng halos 66% ng mga danyos habang ang high-valued crops naman ay nasa 26% at ang naiulat naman para sa iba pang sektor kabilang na ang fisheries sector at imprastraktura ay nakapagtala ng 8% na mga pinsala.
Karamihan naman sa mga ito ay mga nasa early vegitative state habang partially damaged naman dito ay higit sa 90%. Tiniyak naman ni De Mesa na madali lamang ang magiging recovery ng mga pananim kapag maari na muling makapagtanim ang mga lokal na magsasaka partikular na sa mga produktong palay at mais.
Samantala, siniguro naman ng departamento na patuloy naman ang kanilang pamamahagi ng mga input supports para sa mga magsasakang apektado ng nagdaang bagyo at habagat kung saan nakahanda na ang higit sa P495.4-M halaga ng mga suporta para sa layuning ito.
Ang pondo naman na ito ay maaari pang madagdagan habang patuloy na sumasailalim pa sa assessment ang mismong sitwasyon sa lbas dulot ng masamang panahon.