-- Advertisements --
Inanunsiyo ni US President Donald Trump na nagkaroon ng sila ng kasunduan ng European Union sa usapin ng trade deal.
Sinabi nito na nagkasundo sila ni European Commission President Ursula von der Leyen na magkaroon na lamang ng 15 percent na across-the -board na taripa sa mga imports mula sa 27-nation European Union.
Mahigit isang buwan ng magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa ipapatupad na taripa dahil sa nais ng EU na magkaroon lamang 10 percent na taripa.
Dagdag pa ni Trump na pumayag din ang EU na bumili mula sa US ng $750 bilyon na halaga ng enerhiya at pumayag din sila na mag-invest sa US ng mahigit $600-B.