-- Advertisements --
Sinabi ni US President Donald Trump na hihingi ang kanyang administrasyon ng $1 bilyong danyos laban sa Harvard University, kasunod ng ulat tungkol sa mga naging pag-uusap para sa posibleng settlement.
Inakusahan ni Trump ang Harvard at iba pang unibersidad ng pagtataguyod ng “woke” ideology at kabiguang protektahan ang mga Jewish students sa gitna ng pro-Palestinian protests.
Bagama’t may ulat na ibinaba ang naunang $200 milyong settlement demand, iginiit ni Trump na mas mataas pa ang dapat na bayaran dahil sa umano’y seryosong paglabag ng unibersidad.
Nauna nang pumayag ang Columbia University na magbayad ng $200 milyon, habang ang University of Pennsylvania ay nagpatupad ng mga patakarang hinihingi ng administrasyon. (report by Bombo Jai)
















