-- Advertisements --
Ipinagtanggol ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang batikos sa kaniyang pagbibigay ng anunsiyo ng kawalan ng pasok sa paaralan at opisina.
Sinabi nito na ang nasabing paraan ay kaniya ng kinagawian.
Ito aniya ang paraan kung paano siya makipag-ugnayan sa publiko.
Giit nito na normal lamang na magkaroon ng bashers basta ang mahalaga ay naipaparating niya ang tamang impormasyon sa publiko.
Magugunitang umani ng batikos ang ginagawa nitong pag-anunsiyo kung saan ginagawang biro umano ito.