Nawawala ang 15 mandaragat matapos ang paglubog ng sinasakyan nilang cargo ship sa karagatan ng Vietnam.

Naganap ang insidente sa Bin Thuan ng lumubog ang cargo ship na mayroong lamang 7,800 toneladang luwad o clay.

Karamihan sa mga nawawala ay 11 Chinese at apat na Vietnamese sailors.

Mula sa Malaysia patungong Hong Kong ang nasabing cargo ship.

Nauna ng kinontak ng mga marino ang Vietnam dahil sa matinding alon.

Nagpadala na rin ang Vietnam ng rescue team kasama ang Coast Guard para agad na mahanap ang mga nawawalang tripulante.