-- Advertisements --
Aabot sa 17 katao na ang nasawi dahil sa pananalasa ng hurricane Ian sa estado ng Florida.
Sa nasabing bilang ay anim dito ang nasawi sa Charlotte County habang isa ang nasawi sa hospice care sa Osceola County.
Una ng naitalang nasawi ang 74-anyos na lalaki habang sa Lee County naman ay nasa limang katao na ang namatay.
Sinabi naman ni Florida Governor Ron DeSantis, mayroon ng 5,000 mga National Guards ng Florida habang 2,000 Guardsmen ang tumutulong na rin sa response operations.
Aabot naman sa 42,000 na mga technician ang nagtulong-tulong para sa maibalik ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Florida.
Itinuturing naman ni US President Joe Biden na ito na ang mapaminsala at malakas na hurricane na tumama sa Florida.