-- Advertisements --
Isa ng ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) na nitong alas-2 ng umaga ng Agosto 18 ng makapasok na sa PAR ang bagyo at ito ay tatawaging Huaning.
Base sa kanilang monitoring n nasa East Northeast ng Itbayat, Batanes ang lokasyon ng bagyo.
May taglay ito na lakas ng hangin ng 45 kilometers per hour at pagbugso ng 55 kph.
Bukod kay Huaning ay mayroong bagong LPA na binabantayan ang PAGASA na nasa labas pa ng PAR.