Nagsagawa ng radio challenge ang Northern Luzon Naval Command ng Philippine Navy sa ilang barko ng People’s Liberation Army-Navy at CCG na namataan na naglalayag sa karagatang sakop ng lalawigan ng Batanes.
Ang mga barko ng tsina, ay hindi awtorisadong maglayag sa karagatang sakop ng bansa.
Nagpapatuloy kasi ang maritime and sovereignty patrols ng mga barkong Navy na BRP Jose Rizal at BRP Emilio Jacinto sa lugar ng mamataan nito ang mga barko ng dambuhalang bansa sa lugar.
Sa kabila ng kanilang radio challenge ay hindi naman ito nakakuha ng tugon mula sa mga barko ng China.
Nabatid na sa halip an sumagot ay lumihis lamang ito sa kanilang ruta na tila ba walang pakialam.
Maalalang binomba ng tubig ng tatlong barko ng China Coast Guard ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) malapit sa Bajo de Masinloc.
Kinondena naman Northern Luzon Naval Command chief Commodore De Sagon ang presensya ng mga barko ng China sa territorial waters at Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Batanes.
Dahil naman sa tensyon sa pagitan ng China at Taiwan, ipinag-utos ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang pagpapalakas ng puwersa sa hilagang Luzon.