-- Advertisements --

Nasa 14 na pamilya ang nawalan ng bahay sa nangyaring sunog sa Barangay Paraiso, Quezon City.

Pasado alas-8:00 nitong Linggo ng gabi ng magsimula ang sunog at naapula lamang ito makalipas ang mahigit tatlong oras.

Nagtulong-tulong na rin ang mga residente para mabilis na maapula ang apoy.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na mabilis na kumalat ang apoy dahil sa gawa lamang sa light materials ang halos mga kabahayan doon.

Patuloy na inaalam pa ng BFP ang sanhi ng nasabing sunog sa lugar.

-- Advertisement --