-- Advertisements --
Patuloy na nahaharap sa kakulangan sa silid-aralan ang Quezon City lalo na sa District 2 at 5 sa kabila ng pagsisimula ng klase sa Lunes, ayon sa opisyal ng lungsod.
Ayon kay Assistant Schools Division Superintendent Dr. Freddie Avendaño, hindi pa agad mabibigyan ng solusyon ang kakulangan sa pasilidad, kaya’t nakatuon muna ang Department of Education (DepEd) sa alternatibong paraan ng pagtuturo tulad ng Dynamic Learning Program at blended learning.
Samantala nakikipagtulungan din ang lokal na pamahalaan at DepEd para mapadali ang pamamahagi ng mga learning modules at suporta sa mga guro at estudyante.