-- Advertisements --
Nanawagan si Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa mga magulang na mas tutukan ang paggamit ng kanilang mga anak ng cellphone at social media.
Kasunod ito ng pangyayaring pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato kung saan dalawang estudyante at ang 16-anyos na suspek ang nasawi.
Sinabi ng kalihim na dapat tingnan ng mga magulang kung ano ang pinapanood, nilalaro, at mga website na binibisita ng kanilang mga anak.
Iginiit ni Remulla na mahalagang maging mapagmatyag ang mga magulang sa online activities ng kanilang mga anak upang agad na matukoy ang anumang posibleng banta o senyales ng problema.
















