-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Department of Energy (DOE) ang posibilidad ng pagtatayo ng mas malalaking oil depot sa Zamboanga Peninsula.

Ayon sa DOE-Philippine National Oil Company, sinusuri ng pamahalaan ang posibilidad ng pagkakaroon ng malalaking imbakan ng petrolyo sa ilang lugar sa Zamboanga para magamit sa hangarin nitong magkaroon ng oil reserve.

Paliwanag ng ahensiya, may ilang problema sa lawak ng lupa at sa bakanteng lupang gagamitin sana sa orihinal na plano.

Samantala, sinabi ni Energy Undersecretary Alessandro Sales na may inisyal nang pagpupulong ang DOE at ng Abu Dhabi National Oil Company at isa pang Saudi-based oil company para sa itatayong pasilidad.

Bahagi ng mga napag-usapan ay ang pagtatayo ng commercial facility para sa pag-imbak at pagsusuply ng mga produktong petrolyo.

Tiniyak naman ni Usec. Sales na magiging flexible ang gobyerno sa pangangasiwa ng oil reserve.