Naghain ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development sa Office of the Ombudsman laban sa ilang opisyal ng barangay sa Iloilo City.
Ayon kay DWSD Sec. Rex Gatchalian, ang paghahain ng ‘criminal complaints’ ay kaugnay sa ulat at reklamo ng ilan na kinakaltasan ang tulong pinansyal natatanggap para sa kanilang mga benipisyaryo.
Ang ‘cash aid’ aniya raw kasi sa programang AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation ay hindi naibibigay ng tama.
Kanyang sinabi na ang ginagawa ng mga inirereklamong opisyal ng barangay ay hindi ibinibigay ng buo ang ‘cash aid’ na sampung libo at kinukuha ang walong libo rito.
Natitira na lamang sa mga benipisyaryo umano ay nasa isa o dalawang libo ayon sa kalihim base sa mga ulat na kanilang natanggap.
Ang pamamahagi ng cash aid ng AICS na siyang sinasabing may anomalya ay mula noong Nobyembre 7,11,12 ng taong kasalukuyan kung saan higit dalawang libo ang benipisyaryo.
















