-- Advertisements --

Plano ng gobyerno na kumuha ng nasa 136,000 na contract tracers para matunton ang mga nakasalamuha ng mga taong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sinabi ni acting socio-economic planning secretary Karla Kendrick Chua, na magiging prioridad sa pagkuha ng mga contract tracers sa Manila, Laguna at Cebu.

Babayaran aniya ang mga ito ng minimum wage.

Makaktulong aniya rin ito sa mga Filipino na mabigyan ng trabaho.

Ayon naman kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Bernardo Florence Jr, na kakailanganin ang mga contract tracers sa ilalim ng new normal.