SYRIA
Syria map

Umabot na sa 13 Kurdish fighters ang napatay sa isinagawang military attack ng Turkey sa Syria.

Ayon kay Syrian National Army spokesman Major Yosef Hamoud, nagawang palayain ng National Army ang Kashto Tahtani sa Ras-al-Aln at Hamida villages sa Tal Abyad countryside.

Ang mga Turkish Kurdistan Workers Party ay itinuturing na terorista ng US at Turkey.

Nauna rito tinawag ng Turkey ang kanilang opensiba sa Syria bilang “Peace Spring Operation”.