-- Advertisements --

Nagpositibo sa isinagawang rapid COVID-19 test ang 14 tauhan ng mataas na kapulungan ng Kongreso, ilang oras bago ang pagbubukas ng sesyon.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, 500 ang nasuri sa nasabing proseso mula kaninang umaga.

Siyam sa kanila ay mula sa Senate security, dalawa ay staff ng mga senador, isang waiter at isang assistant sa plenaryo.

Agad namang ipinadala sa ospital ang mga infected ng virus upang hindi na makahawa sa iba pang tao sa gusali.

Habang idi-disinfect naman ang lugar kung saan nanatili ang mga ito, bilang parte ng kanilang pag-iingat.

Una nang natukoy na nagpositibo sa COVID-19 sina Sens. Sonny Angara, Koko Pimentel at Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Pero matapos gumaling, muling nagpositibo sa sakit si Sen. Angara.