Pinagtibay pa lalo ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang kakayanan at kapasidad ni PLt.Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. bilang itinalagang acting chief ng Philippine National Police (PNP).
Sa pamamagitan ng Resolution 2025-0552, iniuutos nito na pagtibayin ang ”full capacity” ni Nartatez pagdating sa mga responsibilidad at kapangyarihang taglay ng isang PNP Chief kahit pa hindi pa rin mapupunta kay Nartatez ang 4 star a kasalukuyang hawak pa rin ni dating PNP Chief PGen. Nicolas Torre III.
Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan, ang pagpapatibay ng kpangyarihan ni Nartatez bilang acting Chief ng Pambansang Pulisya ay bahagi ng mandato ng NAPOLCOM upang matiyak na maipagpapatuloy ang mayos na pamamalakad at liderato sa loob ng naturang organisasyon.
Samantala, nagpahayag naman ng kanilang buong suporta ang NAPOLCOM sa liderato ni Nartatez at tiniyak na hindi nila i-micro manage ang PNP.