Nagsagawa na ng paghahanda ang 12 barangay ng Pasay City dahil sa posibleng pagtaas ng tubig matapos ang pagpapakawala ng tubig mula sa flood control units ng lungsod ng Makati.
Sinabi ni Pasay City Public Information officer Jun Burgos, na nag-abiso na sa kanila ang Makati Rescue matapos na magpakawala sila ng tubig mula sa kanilang flood control mag-alas- tres ng madaling araw.
Mapupunta ang tubig sa Tripa De Gallina na direktang makakaapekto sa barangay Villamor, Maricaban at Malibay.
Magiging apektado ang barangay 172, 173, 174, 175, 176, 177, 180, 181, 182, 183, 185, 190.
Nabagsakan naman isang sasakyan ng bumagsak ng scafolding sa kahabaan ng Roxas Boulevard dahil sa malakas na hangin dulot ng bagyong Ulysses.
Humambalang ang ilang mga road barriers sa kalsada matapos na liparin ito ng hangin.