-- Advertisements --

Kinasuhan ng actress na si Nadia Montenegro ang isang empleyado ng Senado at ilan mga media outlets.

Nagbunsod ang reklamo matapos na akusahan itong gumagamit ng marijuana sa loob ng palikuran ng Senado.

Kasong libel ang isinampa nito sa ilang mga media outlets habang kasong unjust vexation at paglabag sa Safe Spaces Act laban naman sa isang empleyado ng Senado na nag-akusa sa kaniya na inihain sa Pasay City Prosecutors’ Office.

Ayon sa abogado ng actress na ang balitang kumalat laban sa actress ay walang katotohanan at malisyoso.

Iginiit nila na ang nakita ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms ay vape sa insidente na nangyari noong Agosto.

Sinabi ng actress na kaya ito nagbitiw sa puwesto bilang empleyado ng Senado ay hindi para umamin ng guilty at sa halip ay para wala ng madamay na iba.

Isa ring hakbang ang pagreresign ay bilang respeto na rin sa opisina ni Senator Robin Padilla kung saan siya nagtatrabaho at ganun din para pangahalagahan ang imahe ng Senado.