Ipinasara ng Department of Transportation (DOTr) ang iligal na terminal ng bus sa Pasay City.
Inatasan din ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na i-impound ang mga bus ng kumpanya ganun din ay irevoke ang kanilang prankisa.
Ang bus terminal ay makikita sa bakanteng lote na una ng ipinasara dahil sa pag-operate ng walang kaukulang dokumento mula sa LTFRB.
Nagpatuloy ang kanilang operasyo para samantalahin ang mga uuwi sa probinsya ngayong panahon ng Undas.
Pawang mga biyaheng Bicol at Leyte ang ruta ng nasabing bus.
Nadiskurbre din na ang mga bus na kanilang nasita ay maikokonsiderang kolurom at hindi otorisadong pumasa.
Tiniyak ng DOTr na kanilang iikutin ang mga iligal at kolurom na mga bus para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.