-- Advertisements --

Naghain ang kampo ng contractor na si Curlee Discaya ng petition for habeas corpus para mapalaya siya sa kustodiya ng Senado.

Ayon kay Atty. Cornelio Samaniego III,ang abogado ni Discaya,na nananatili pa rin si Discaya sa Senate detention facility mula ng ma-cite for contempt ito ng Senate blue ribbon committee hearing noong Setyembre 18.

Ang petisyon ay inihain sa Pasay City Regional Trial Court Branch 298.

Dagdag pa ng abogado na ang layonng writ of habeas corpus ay para ipaliwanag ng Blue Ribbon Committee kung bakit matagal ng nasa kustodiya nila si Discaya at kung ito nga ba ay legal o hindi.