-- Advertisements --
Nabigo ang Alas Pilipinas sa pagsisimula ng FIVB men’s volleyball championships.
Hindi naging sapat ang Alas Pilipnas sa kamay ng Tunisia 13-25, 17-25 at 23-25 sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Pinilit pa ng Alas na maitabla ang laban subalit hindi sila nakaporma sa World Number 43 na team.
Bumida sa panalo ng Tunisia si Oussama Ben Romdhane na nagtala ng 17 points at dalawang blocks habang mayroong tig-siyam na puntos sina Ahmed Kadhi at Ali Bongui.
Susunod na makakaharap ng Alas Pilipinas ang Egypt sa darating na Setyembre 16 ng alas-5:30 ng hapon.