Nadagdagan pa ng 118 ang bilang ng mga nasawi sa nakalipas na magdamag dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Dahil dito, umakyat na sa 2,247 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa buong mundo dahil sa naturang sakit.

Karamihan sa mga ito ay mula pa rin sa Mainland China.

Sa kasalukuyan, mayroong total infected cases na 76,722 sa iba’t-ibang bansa.

Habang may 18,524 naman ang mga naka-recover mula sa mga nagpositibong pasyente.

-- Advertisement --