Ipinasara ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang 10 mga hotels na iligal na nagtatapon ng kanilang mga dumi sa Bacuit Bay sa El Nido, Palawan.

Sinabi ni DENR Environmental Management Bureau ng Mimaropa Michael Drake Matias, na ang nasabing mga hotels ay malinaw na lumabag sa Clean Water Act ng 2004.

Dagdag pa nito na ang tubig na inilalabas ng mga 10 hotels sa apat na lugar sa El Nido ay lumampas sa pollutant limits.

Tiniyak naman ng DENR na kanilang ipagpapatuloy ang pagbabantay sa mga establishimentong lumalabag sa environmental law.