-- Advertisements --
Aabot sa 48 toneladang basura ang nakulekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ginawa nilang cleanup drive sa Maligaya Creek sa lungsod ng Caloocan.
Kasama ng MMDA ang city government Caloocan at Department of Enviromental and Natural Resources para malinisan ang basura sa Maligaya Creek malapit sa La Loma Cemetery.
Ayon sa MMDA na ang operasyon ay mula sa “Bayanihan sa Estero” na ang layon ay malinisan ang mga estero at maiwasan ang pagbaha.
Patuloy ang ginagawa nila ng paanyaya sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura dahil ito ang nagdudulot ng pagbaha sa kamaynilaan.