Plano ng Department of Environment and Natural Resources na protektahan ang aabot sa 160-hectare seagrass bed na matatagpuan sa Tucad Reef , Pilar , Capiz.
Ayon kay DENR-Capiz Provincial Director Dr. Ernest Federiso , mahalaga na ideklara itong protected area para mabawasan ang banta sa isa pinakamalawak na seagrass bed sa bansa.
Ang seagrass na mayroong local name na lusay, ay may lawak na sakop ang apat na barangay sa bayan ng Pilar.
Malaki ang parte nito sa lokal na ekonomiya ng lugar partikular na sa mga mangingisda .
Batay sa monitoring , nagkakaroon ng pagbaba sa habitat ng seagrass bed dahil sa pollution, sedimentation at iba pang mga unregulated coastal activities sa lugar.
Naobserbahan ito matapos ang isinagawang diving activities bilang bahagi ng detailed assessment sa Tucad Reef .
Patuloy naman na nakikipag tulungan ang DENR-Capiz sa lokal na pamahalaan ng Pilar , Capiz Provincial Environment and Natural Resources Office, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at iba pang mga stakeholders para sa panukalang conservation efforts ng ahensya.