KORONADAL CITY – Umabot ng sampung mga improvised hand grenade ang narekober ng mga sundalo sa Sitio Gadong, Barangay Pagatin 1, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao na napigilang sumabog.
Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6ID Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayo kay Baldomar, narekober ang mga explosive materials na umano’y signature ng bandidong BIFF.
Natagpuan ang nasabing mga eksplosibo matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng BIFF-Karialan Faction at military saShariff Saydona Mustapha, Maguindana na nagresulta sa pagkasawi ng apat na terorista at pagkasugat ng dalawa pang kasamahan ng mga ito.
Isa naman ang nasugatan sa panig ng militar na nasa maayos na kondisyon na sa ngayon.
Napag-alaman na sinunog pa ng BIFF ang pamamahay ng mga residente doon upang mapigilan lamang ang mga sundalong humahabol sa kanila.