Minultahan ng $25,000 ng NBA si Toronto Raptors forward Brandon Ingram matapos nitong itapon ang kanyang water bottle sa sahig bilang pagpapakita ng galit laban sa Philadelphia 76ers noong Sabado.
Ayon kay NBA executive James Jones, ang insidente ay naganap sa 3rd quarter ng laro kung saan nakakuha si Ingram ng foul kay Trendon Watford.
Habang palabas ng court, nagkaroon siya ng technical foul. Sa kanyang galit, inihagis umano ni Ingram ang water bottle na tumama pa sa isang game attendant kasabay ng ilang taong nabasa kabilang ang cameraman at kapwa Raptors player nitong si Scottie Barnes, na nagdulot ng pansamantalang pagkaantala ng laro para matuyo ang court.
Nakabalik si Ingram matapos ang isang possession at nagtala ng 21 points, 8 rebounds, at 5 assists sa natitirang 37 minuto ng laro. Sa kasalukuyan, siya ay may average na 21 points, 6.3 rebounds, at 4 assists para sa Raptors.
Matatandaang si Ingram ay dating All-Star at Most Improved Player noong 2019-20 sa New Orleans Pelicans, at ipinagpalit sa Raptors noong Pebrero, 2025 ngunit kalaunan ay nahinto noong nakaraang season dahil sa ankle injury.
















