-- Advertisements --

Binatikos ng isang civic group si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte, anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa umano’y “mapanirang” pahayag laban sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa grupong Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya, Ang pagdududa anila sa patriotismo ng ating mga sundalo at coast guard nang walang ebidensya ay insulto sa bawat Pilipinong naglilingkod.

Matatandaang tinuligsa ni Duterte ang AFP matapos aminin ni Gen. Romeo Brawner na kayang abutin ng US missile system ang China. Tinawag niya itong “pagpapakita para sa Amerika.”

Sinagot siya ni PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela, na nagsabing “divisive noise” lamang ang mga pahayag ni Duterte.

Giit ng grupo, ang ganitong banat ay “nagpapahina sa pagkakaisa” habang patuloy ang banta sa soberanya ng bansa. Pinuri rin niya ang AFP at PCG sa patuloy na propesyonalismo sa kabila ng mga pag-atake. (Report by Bombo Jai)