Tumanggi ang U.S. Supreme Court nitong Lunes (araw sa Amerika) na harapin ang apela ni Kim Davis, dating clerk sa Kentucky, na kumukwestiyon sa landmark 2015 ruling ng korte na nag-legalize ng same-sex marriage sa buong bansa.
Nabatid na si Davis ay tumangging mag-isyu noon ng marriage license para sa same-sex couples sa Rowan County, Kentucky, dahil sa kanyang religion beliefs.
Dahil dito humarap sa paglilitis si David at pinagbabayad ng $360,000 ukol sa mag-asawang hindi niya binigyan ng marriage license. Sa kanyang petisyon, hiningi ni Davis na kilalanin ang kanyang First Amendment religious protection upang hindi siya makulong.
Ang kanyang mga abogado ay sumangguni rin sa mga pahayag ni Justice Clarence Thomas, ang nag-iisang miyembro ng korte na nais baligtarin ang desisyon sa same-sex marriage, ngunit tumanggi ang Korte Suprema na tugunan ang petisyon ni Davis.
Ayon sa Lambda Legal, ilan sa mga estado ngayong taon ang nagpanukala ng batas o resolusyon na kumukwestiyon sa Obergefell decision, kabilang ang Texas, na nagbigay pahintulot sa mga hukom na tumangging magsagawa ng same-sex weddings dahil sa paniniwala sa relihiyon.
Bagama’t may ilang posibleng hamon sa estado, ang federal protection ng same-sex marriage ay nananatiling legal sa bisa ng Respect for Marriage Act na pinirmahan ni dating U.S. President Joe Biden noong 2022.
Ang desisyon ng Korte Suprema na hindi tanggapin ang petisyon ni Davis ay nangangahulugang nanatiling legal ang same-sex marriage sa U.S.
Sa kasalukuyan, mayroong higit 820,000 married same-sex couples sa Estados Unidos, higit sa dobleng bilang noong Hunyo 2015 nang ipatupad ang nationwide marriage equality.















