-- Advertisements --

Pumayag ang US Supreme Court na dinggin ang kaso kaugnay sa mga ipinanganak sa Amerika kung mayroon silang constitutional right para sa US citizenship.

Wala pang itinatakdang petsa para sa mga argumento ng US Supreme Court kaugnay sa naturang kaso, habang isang buwan na lamang bago ang ruling.

Subalit anuman ang magiging desisyon ng korte ay mayroon itong malaking implikasyon sa immigration crackdown ni Trump at sa kung ano ang magiging kahulugan nito sa American citizen.

Una rito, sa loob ng halos 160 taon, na-establish sa ilalim ng 14th Amendment ng US Constitution ang prinsipyo na ang bawat isinilang sa Amerika ay ituturing na US citizen, kung saan may exceptions sa mga batang ipinanganak ng diplomats at dayuhang military forces.

Subalit, sa kaniyang unang araw sa pwesto noong Enero, nilagdaan ni US President Donald Trump ang isang kautusan para waksan ang birthright citizenship para sa mga ipinanganak na may magulang na iligal na nasa Amerika o may temporary visa, bagay na tinutulan naman ng maraming mabababang hukuman.

Ito ay parte ng mas malawak na pagsisikap ng Trump administration para sa reporma sa immigration system ng US at labanan ang tinawag niyang banta sa pambansang seguridad at kaligtasan ng publiko.

Base sa datos noong 2022, mayroong 1.2 million US citizens ang ipinanganak na may mga magulang na walang dokumento.