Umakyat sa 10 ang bilang ng mga repatriates mula sa Diamond Princes cruise ship na nakitaan ng sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, kasalukuyang stable na ang kondisyon ng 10 repatriates na ito.
Sinabi ni Vergeire na kaagad na dinala ang 10 repatriates na ito sa referral hospital ng Department of Health (DOH).
Pito aniya sa naturang bilang ay lumabas na ang resulta ng laboratory test at pawang nag-negatibo sa COVID-19, habang hinihintay pa rin sa ngayon ang resulta naman sa nalalabing tatlo.
Nauna nang sinabi ng DOH na pitong repatriates ang nag-negatibo sa virus matapos na makaranas ng soar throats at non-productive cough.
Martes ng nakaraang linggo nang magsimula ang 14-day quarantine ng lahat ng 455 repatriates sa cruise ship sa New Clark City sa Capas, Tarlac.