-- Advertisements --
mega3

Nasa maayos na kalagayan ngayon ang isa sa 10 contruction workers na nasugatan matapos ma-trap ng sumiklab ang sunog sa 25th Floor ng Mega Tower na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA sa Mandaluyong kanina bago mag tanghali.

Ayon kay Mandaluyong Fire Station Chief, Fire Supt. Alberto de Baguio, maayos na ang kondisyon ng sugatan na construction worker na nagtamo ng sugat sa kamay dahil sa mga basag na salamin.

Habang ang iba na natrap sa sunog ay ligtas naman na rescue ng mga tauhan ng BFP at nasa mabuting mga kalagayan.

mega2

Sinabi ni De Baguio, ang isa sa kanilang tinitignang sanhi ng sunog ay mula sa isang ducting insulation mula sa air conditioning unit kung saan nagmula ang apoy.

Mag-alas-11:00 ng umaga kanina ng ilagay sa first alarm ang sunog at bandang ala-1:52 ng ideklarang fire under control ang lugar.

Sinabi ni de Baguio nakatakda silang magpulong sa may-ari ng Mega Tower at maging sa mga security at safety officer hinggil sa insidente para pag-usapan ang nangyaring sunog.

Pinaliwanag naman ni De Baguio kung bakit kailangan nila magbasag ng mga glass windows ay para magkaroon ng ventilation ng sa gayon makalabas ang usok.

Ang nasunog na Mega Tower ay wala pang occupant dahil ongoing ang construction nito tanging mga trabahante lamang ang nasa loob.

Aminado ang opisyal na malaking hamon para sa kanila ang pag apula sa apoy dahil sa 25th Floor nangyari ang sunog.