Inihayag ni newly elected Metro Manila Council (MMC) President na si San Juan City Mayor Francis Zamora na mahihirapan ang pamahalaan na magpatupad ng total ban sa street parking sa mga lansangan ng Metro Manila.
Ani Zamora, mahihirapan na maghanap ng parking ang mga sasakyan kahit sa mga inner roads kung tuluyan nang ipagbabwal ang street parking sa buong Maynila.
Kailangan kasi aniya na may mapunthan ang mga sasakyan at motoristang matatamaan ng parking ban partikular na’t marami nang bahagi sa metrowide ang nagpapatupad na ng parking ban kung saan-saan.
Aniya, kasalukuyan at palaging ipinapatupad pa rin ang pagbabawal ng street parking sa mga main roads, mga lansangang kadalasang nakararanas ng traffic congestion at maging sa Mabuhay lanes ngunit sa bahagi g mga inner roads na malayo na sa epekto ng trapiko ay maaari pa rin aniyang paradahan.
Binigyang diin din ni Zamora na may mga sariling ordinansang ipinapatupad ang mga lungsod sa National Capital Region (NCR) na siya namang dapat sundin ng mga nasasakupan nito habang mayroon namang iba’t ibang demographics ang mga siyudad kaya nakikitang mahirap ang implementasyon ng total ban nityo.
Samantala, sasailalim a sa malalim at masusing pagaaral ang mga naging suhestiyon mula sa pagpupulong at magkakaroon naman ng pinal na memorandum ang Department of Interior and Local Government (DILG) katuwang ang iba’t ibang pang ahensya pagdating ng Setyembre.