TACLOBAN CITY – Isang sundalo ang naitalang patay samantalang anim naman ang naitalang sugatan matapos ang ginawang pananambang ng rebeldeng grupo ang sasakyan ng tropa ng militar sa bahagi ng Brgy. Bagti Manlilinab, Basey, Samar.

Kinilala ang napatay na sundalo na isang Cpl. Tabanao.

Samantala, sugatan naman sina Cpl. Rebato, Cpl. Roma, Pfc. Plateja, Pfc. DagaƱo, Pfc. Arcala at Pfc. Endolos na patuloy na nagpapagaling hanggang sa ngayon.

Napag-alaman na mga miyembro ng 46th Infantry Battalion na nakabase sa Calbiga, Samar ang naturang mga sundalo.

Batay sa report, nagsasagawa lamang ang militar ng combat nang bigla ang mga itong tambangan at pasabugan ng land mine hindi mabilang na rebeldeng grupo.

Matapos nito ay nagkaroon naman ng ilang minutong palitan ng putok.

Patuloy pa na mino-monitor ng mga otoridad ang mga responsable sa naturang pangyayari.